Wednesday, March 1, 2017

TORPE PROBLEM

TORPE PROBLEM

Maraming lalaki ang nagsasabing madali lang magtapat ngunit sa loob nila sila'y nangangatog kapag ang crush na rin ang katapat nila. Gaya ng lyrics ng kantang Hay nako nina LJ Manzano ft. Jamich “Hay nako may pag asa ba ako". Dito talagang mapanghihinaan ka nang loob dahil parang una palang talo kana sa panliligaw kaya gagawa ka ng paraan para mapasagit mo siya sa pangalawang pagkakataon. Dahil dito nagkakaroon ka ng mga mas magagandang ideya para sa panliligaw sa pangalawang pagkakatain.

Aminin mo kahit minsan naranasan mo ang matorpe sa nililigawan mo. Sa panahon ngayong marami pa ring mga kabataan ang nanliligaw sa pamamagitan ng pag-aabot ng kanilang mensahe gamit ang kanilang mga telepono, pagbibigay ng love letter, at ang pang aasar ng may lambing at ilan lamang ito sa mga paraan ng panliligaw ng isang torpe. Ang pagiging torpe ay hindi isang “Anino" na laging nandyan kasama mo dahil ang isang katangian ng isang pagiging torpe ay nasusulusyunan sa pamamagitan ng pagtanggap mo sabkatotohanan dahil base sa aking karanasan ang nagiging dahilan kung bakit ang isang binata ay natotorpe dahil natatakot sila muling hindi sagutin ito ay baae sa aking sariling karanasan.

Sa mga taong nahihiyang magtapat ng nararamdaman sa kanilang mga hinahangaan o crush oo sabihin na nating torpe ka pero hindi dahilan na sabihin mo na torpe ka dahil higit sa lahat hindi mo siya kinakahiya kaya bakit ka mahihiyang magtapat ng feelings sa kanya kng ang nararamdaman mo sa kanya ay totoo. Madalas dahil sa salitang “eh kasi nahihiya ako eh!" dito nagkakaroon ng problema kaya sa pagtatapat ng feelings talagang lakasan lang ng loob. 



Para sa mga tips kung paano mo ipagtatapat ang feelings mo una siguraduhin mong handa kang magtapat pangalawa kung magtatapat ka simulan mo sa pagkamusta sa kaniya sumunod kausapin mo siya hanggang sa makuha mo ang loob niya pang apat ipaalam mo sa kaniya na may gusto kang sabihin sa kanya panlima kung handa ka nang sabihin sa kanya ang feeings mo wag mong kalilimutang huminga ng malalim at ang huli sa mga dapat isaalang-alang na gawin ay sabihin ang feelings ng may puso, lakas ng loob, at paggalang. Sa ganitong paraan hindi mauubos ang oras mo sa pag papaantay sa nililigawan mo na sabihin ang nararamdaman mo. 








No comments:

Post a Comment